Kung Maibabalik ko Lang
Isang mabigat na kasalanan ang aking nagawa. Isang kasalanang walang kapatawaran! Di pa sapat ang death penalty para sa nagawa kong kasalanan. Nag uumapaw sa pagka guilty ang pakiramdam ko. Isa akong traydor. Walang kwentang tao. Daig ko pa ang nakapatay ng tao. DAHIL.. dahil.. hindi ako nakapag post kahapon dito sa blog ko. ISANG ARAW na walang post! Paano mo mapapatawad ang ganung karumaldumal na kasalanan?!?Ngayon, kahit gawin ko pang sampu ang post ko today, wala na ring kwenta. Huli ng lahat. Hinding hindi ko na mababalik ang kahapon. HAAY.. sana makakita ako ng kotse katulad dun sa pelikulang 'Back to the Future' para makabalik ako sa 'kahapon'. IKAW, anong gagawin mo kung pinagbigyan kang bumalik sa kahapn? Isang araw lang ha.. hindi 2 days o 1 week.. as in yung the day before today. Ako maraming balak gawin bago bumalik sa kahapon:
- Titingnan ko muna ang lumabas sa Lotto
- Hahanapin ko yung vocalist ng Cueshe na long hair at hahagisan ko ng asido yung mukha
- Titingnan ko yung lumabas sa karera
- Kikidnapin ko sina Barbie, Kitchie, Kristine Hermosa, Heart Evangelista at Angel Locsin
- Titingnan ko yung lumabas sa ending
- AT HIGIT SA LAHAT, pagbalik ko sa kahapon.. gagawa ako ng post for that day
Nasira na ang record ng blog na 'to. Gusto ko na tuloy i-delete na lang lahat ng sinulat ko dito at kalimutan na lang na nag attempt pa ko na gumawa ng blog. PERO, well, ano ba naman ang isang post na nakaligtaan di ba? Besides, kaya naman ako di nakapagpost kasi nakatulog ako kahapon.. AS IN TULOG dito sa station ko. Nagising ako 3 minutes to go na SO obviously no chance na ako makapag post pa. Take note, humihilik pa daw ako kahapon sa sobrang sarap ng tulog ko.
Basta! Past is past sabi nga ni aling Paz, so I'll just start anew. SINUSUMPA ko na habang nandito ako sa Sutherland at libre ang email (hopefully hanggang June 12) magpo post ako EVERYDAY. Promise yan, ikaw ang witness.. okay? Pag di ko yan nagawa ikaw na din anng bahala magparusa sa'kin (kausap ko nito sarili ko so WAG MO NG PANGARAPING MAPAPARUSAHAN MO KO).








