Dream Job
Anyways, back to reality (sucks..) teka, i take it back.. (unsucks..) kasi kahit walang opening for superheroes, nakuha ko naman ang dream job ko. Nope, di ako computer god like Bill Gates at lalong di ako presidente tulad ni Gloria.. ibang level na yun.. remember tao lang ako, not superhuman. Isa lang naman akong Email Support Representative.
Tama, EMAIL.. so i said goodbye sa irrate callers LONG time ago.. ayoko ng makinig sa mga walanghiyang foreigners.. na yuyurakan lamang ang dangal nating mga pinoy (naluluha ako habang tinatayp ko 'to). Isa lang masasabi ko sa kanila.. Pakshet sila lahat. Ah well, quits na naman kami ng fate eh, after years of being a call center slave.. I finally landed here sa email support. Let me describe this job in three words. PETIKS... so far.
Ngayon lang ako naka experience ng ganitong petiks sa tanang buhay kong nagpapaalipin sa kung saan saang companies. Biruin mo, sa sobrang petiks may luxury pa ko na makagawa ng blog. Ang pasok ko dito is 6am til 3pmpero ano? 8:30am pa lang wala ng trabaho! Literal na wala ka ng gagawin kundi lunurin ang sarili mo sa internet. Magbrowse ka hanggang dumugo ilong mo. 'Yun na yung pinaka "stressful" na part ng job na 'to..
Well, wala na ko mahihiling pa, indeed, ito 'yung dream job ko (alam mo ng pa ending na kasi nasabi na 'yung title, eh).. so siguro naiimagine mo na gaano ako kasipag no? Ngayon lang ulit ako naexpose sa internet ng ganito.. I correct myself, OVEREXPOSED pala. Dress down din pala dito (hindi baba lahat ng damit ibig sabihin 'nun ok?), pwede pa magpatugtog ng mp3 o kahit ano pang music gadget na pwede mo dalhin (i doubt kung pwede karaoke). IT'S HEAVEN! Sana lang makapagstay pa ko dito ng matagal.. bakit kamo? Kasi namumuro na ko sa lates eh.. kanina nga lang 3rd late ko na for this month.. hayup talaga sa kamalasan.. pero ibang topic na lang 'yung malas subject na yan.. basta as of now, I'll enjoy what I have. Cheers!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home