Tuesday, May 23, 2006

Gloomy Kind of Love

Isang oras at kalahati na lang, uwian na naman. Natatanaw ko sa bintana mula dito sa office yung dilim ng langit sa labas. Nasa 21st floor pa naman kami. Grabe. Ang dilim. Malakas yata ang palapit na ulan. Manonood pa naman kami ng Da Vinci Code.. at wala kaming payong. Pero, kahit ganun, happy pa din ako.. kasi I really love it when it rains. Pag makulimlim ang langit, I feel very relaxed and somewhat calm. Bakit nga kaya?

Mula pa nung bata ako I always enjoy it when it rains, kahit bagyo pa! Well, siguro depende, ayoko kasi abutan ng bagyo sa labas ng bahay, pag nasa house lang ako.. solb na solb yun! Naaalala ko pa yung mga times nung elementary pa ko, pag may bagyo nakaabang na agad kami sa radyo para i announce na walang pasok. At pagkasabi ni Noli De Castro ng "..suspendido po ang klase sa elementarya..". Sisigaw na ko sa saya, kasi laging pang umaga sked ko nun kaya balik agad ako sa kama at itutuloy ang tulog ko habang pinaghehele ng ulan. Sarap! Pero nung high school at college mas mahigpit and DECS sa pagsuspend kaya pag natsambahan na wala pa ring pasok ALL LEVEL (yun ang keyword eh).. AYOS! Sarap manood ng TV 6:00 ng umaga, umuulan sa labas habang nag aagahan.. tsalap..

Tapos natatandaan ko pa yung mga times na pag umuulan.. ang sarap mag movie marathon! Dark ang room, TV lang ang bukas, parang moviehouse ang lamig.. SYET! Perfect! Saka yun din ang perfect time mag Playstation (wala pa kong PS2 nun).. malupit laruin nun yung mga survival horror games! Resident Evil, Silent Hill.. panalo! Nung nagka PS2 naman ako, yung mga RPG's ang the best! Final Fantasy series..Tekken with my cousins and brothers. Asaran, tawanan.. ang saya! Like ngayon, nasa bahay ang mga pinsan ko, ang sarap maglaro lalo na pag madami kami.. bakasyon kasi nung mga yun kaya nasa amin muna. Kaya mamaya after manood ng sine, I'll rush home.. well, atleast that's my plan.. mahirap na ma late ulet. Umuulan pa naman.. my, my..

Kung ano relasyon ko sa ulan kami lang siguro ang makakintindi talaga. Laging kapag umuulan something within me is happy. I always find myself at my best at everything. Ang bilis gumana ng utak ko, lalo na sa pagsusulat ng poems at kanta. Lagi akong naggigitara pag umuulan. Minsan nasa bintana lang ako nakapwesto. Yun nga lang ang mga kanta na nagagawa ko madalas e gloomy din. Parang yung weather. Siguro dahil gloomy din akong klase ng tao. Yung pagpatak minsan ng ulan parang may beat sa tenga ko, parang nakikipag jamming sa paggigitara ko. At dahil walang tao sa daan pag umuulan, pwede akong kumanta to my heart's content sa may bintana namin. Walang sisigaw ng "HOY MAGPATULOG KA NAMAN!" dahil mas maingay ang patak ng ulan sa labas.. di pala patak.. BUHOS. Again, there's the rain to cover my back. Ngayon alam nyo na kung bakit minsan mas malakas ang ulan than usual.. yun yung mga times na kumakanta ako.

SYET. Ang lakas na ng ulan sa labas. Kahit na may lakad ako mamaya, oks lang, we'll get by I know. Kasama ko nga palang manood girlfriend ko, si Heart Evangelista (PLAK!-sampal) ok..ok.. si Jac. Di ako bading, babae si Jac.. talagang yun ang name ng girlfiend ko, short for Jaclyn. Buti pa sya off nya bukas kaya walang problema.. ako meron pa.. last day ko nga lang.. hehe.. sana wag ako ma late, kasi alam naman nating lahat na mas masarap matulog pag umuulan. Sabi nga ni Ely sa Kamasupra "..masarap matulog, lalung lalo na pag umuulan.." O diba? Saka sabi ni John Lennon nung nasa Beatles pa sya (sa song na Rain) "..when the rain comes down, I don't mind..", kitams, pati si idol John Lennon gusto sa ulan. Naglalaro din kaya sya sa kanal? OY! Mahilig ako sa ulan pero ayoko magpa ulan AT LALONG di ako nagsu swimming sa kanal. Tampisaw lang.

Sana nga lagi na lang gloomy ang panahon. Ayoko kasi yung mainit na season. Wala kaming aircon sa bahay eh, saka sanay ako sa klima dun sa pinanggalingan kong bansa.. sa Switzerland, nag aadjust pa nga lang ako sa Pilipinas eh. Anyway, yung perfect season naman sakin e yung gloomy lang palage, makulimlim ng konte.. walang ulan.. ayoko naman maulit yung pag ulan ng 40 days at 40 nights dahil di rin ako marunong lumangoy. At di ako si Noah na kayang gumawa ng ark.. kahit nga salbabida di ako makakagawa e ark pa.

Kita mo nga naman, less than an hour na lang and I'm outta here! Time flies when you're having fun.. umuulan pa ba sa labas kaya tuloy tuloy ako magsulat? Hmm.. teka, tumila na yata, ayan na.. tinatamad na ko.. ano pa ba pwede isulat? Uhm.. yung ano.. wala na, wala ng ulan eh.. ayan, wala na rin ako sa mood magsulat *pout* (arte!).

"When it rains, it cleanses the world.." - I dreamt about this line dati. Malinaw sa isip ko yang linyang yan til now and it's stuck in my mind. I guess, for a reason.. and I guess it makes sense.. aren't they?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home