The Late Netopia of British Drifter
Totoo ba ito?!? I'm not late for today.. dumating ako 5:59.. yahoo! 1 minute before time, ang aga di ba? Anyways, sabi ko naman sa inyo at sa sarili ko gugulpihin ko 'yung immortal enemy ko di ba? So ayan! Talo s'ya sa first round.. so 90 rounds na lang. Bawal na kasi ako ma late hanggang end ng June so ipanalangin n'yo ko, 90 days pa! Anak ng tupa talaga..Right now (as usual) wala na naman akong ginagawa. Tapos ko na gawin lahat ng emails ko so nagmistulang Netopia na naman ang production room. Kulang na lang may sisigaw na "Time na yang #23!", tapos may sasagot na "Mag-eextend pa, kuya!..". Nakakatawa talaga 'tong work na 'to eh.. talaga bang ganun na lang kayaman ang mga taga-UK para pasahurin kami habang nagfe-friendster? UK account kasi ang hina handle ko dito.. kaya buti na lang email support at hindi voice.. kasi pag nagkataon malamang mapuputukan ako ng ugat kakintindi sa super maximum slang ng mga british na 'yan. 'Yun ngang Harry Potter kalahati yata ng dialogues dun tumatango na lang ako kahit di ko naiintindihan eh.. sobrang slang.. kumbaga sa libro, ine enjoy ko na lang 'yung makukulay na drawings para mas maintindihan ang context ng libro. Visual kasi akong tao. Hmm.. di rin.. meron din naman akong ear for music ah, so pwede din ako sa audio. SYET, nawawalan na ng direction 'tong entry na 'to ah..
Come to think of it, ako ba may direction? Ikaw, alam mo na ba saan ka talaga pupunta? Ako kasi, nakakahiya man aminin, pero I'm still a loose cannon. Lost bullet. Walang definite destination. Drifter. Nagpapaagos lang sa stream of life. I know I'm going forward pero still nowhere. Wala kasi akong compass. Kung meron man, paano ba gumamit 'nun? Kaya siguro lagi ako naliligaw, eh. Ah well, lagi ko kasing sinasabi sa sarili ko na HAPPINESS lagi ang unang una sa listahan ko. Kung saan ako masaya, 'dun ako. Kung saan man 'yun. Like now, I'm happy just browsing my day away.. pero no worries my friend, kasi I don't have plans of browsing my LIFE away.. peace out!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home