My Immortal Enemy
I've been battling with this OH SO POWERFUL entity ever since the world begun. Sa school, noon, I still remember ang mga style na ginagawa nila para magising ako on-time:
- Tapik ng konte sa braso o sa kahit anong exposed part ng katawan (1st stage)
- Hihilahin ang kumot ko sa kalamigan ng madaling araw. Syempre para akong bacon na nag-shrink
- The classic 'mala-halimaw' na pag uga sa buo mong katawan
- Iipitin 'yung ilong ko tapos magigising na lang akong kapos sa oxygen.. na parang umahon sa pool
- At ang finale.. kapag nagawa na ang lahat ng nabanggit e matiwasay pa rin akong natutulog, bigla na lang.. KA-POW!!
Masyado ng brutal kung ieelaborate ko pa 'yung last part pero one thing for sure.. gising na gising na ko after 'nun. Minsan nga naiisip ko kailangan pa bang umabot sa marahas na pamamaraan ang lahat? Pwede naman akong magising na lang agad sa unang tapik pa lang di ba? Masyado kasi akong oily matulog.. parang mantika.
Kahit nga alarm sa cellphone wa epek sa'kin. Minsan magigising na lang akong nasa ibabaw ko 'yung cellphone ko 30 minutes after the (supposedly) alarm time. SYET DI NA NAMAN NAG-ALARM?!? Tapos iche check ko 'yung cellphone ko, hmm.. wala na 'yung alarm icon so meaning nag-alarm 'yung cellphone.. pinatay ko lang. Di ko alam kung nag-iisleepwalk ako pero madalas ganun ang senaryo, magigising akong patay na ang alarm. Dumating pa nga sa point na pinagbintangan ko kapatid ko na baka pinapatay n'ya yung cellphone kasi naiingayan s'ya without waking me up. Pero I think mas malapit sa reality na ako talaga ang culprit. Gusto ko nga mag iwan ng 24 hrs na video camera sa room para magkaalaman na talaga kung ako nga ang may sala.. pero wag na lang. Unang una, mahal ang videocam, pangalawa, para saan pa? E di naman ako umaapila ah.. AKO NA ANG MAY SALA!!! Fine.
Kaya kanina, ayun! Taxi na naman ako.. namputcha talaga.. gastos ang maging late! Kinausap ako ng supervisor ko ngayon na isang late na lang terminated na ko.. ang saya diba? Kakaumpisa pa lang ng blog e, sisante na agad. Babye na din sa blog kung ganun.. e dito lang naman ako sa office nakakapag internet galore. So kailangan ko munang magpakabait.. humanda ka tardiness o kahit ano pang alter ego mo.. magtutuos tayo.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home