Not so Jolly sa Jollibee
Kakatapos ko pa lang mag lunch. Siguro mga 20 minutes pa lang tapos na agad ako kumain. Sa Jollibee ulit ako kumain. Alone. Mushroom and cheese plus regular fries at sprite, SOLB! Narealize ko lang na napapadalas na yata talaga kain ko sa Jollibee. No offense sa bubuyog ah, pero medyo naaalarma na ko eh.Kasi naman sabi nga ng ka opisina kong pinsan si Einstein sa talino, ang pagkain daw sa Jollibee o sa kahit ano pang fastfood chain e sobrang nakakasama sa health. SYET! Dun na ko nag alala. Paano na ang malusog kong pangangatawan? Yung biceps ko na pwede maglambitin ang dose katao? Ang abs ko na parang pandesal nung araw (kasi yung pandesal ngayon ang liliit amputcha..)? Natatakot akong mawala ang wala naman ako.
Pero bakit nga ba nakakasama sa kalusugan ang yumburger? Sama mo na rin ang fries? E tinapay din naman ang burger di ba? May patty nga lang.. saka yung fries, PATATAS yun ah.. ginawa lang 'french' kinontra na naman ng mga masyadong maka-pinoy. Pustahan tayo pag tinawag na Philippine fries yun, wala ng kokontra. Yung yumburger, wala naman pinag iba sa tinapay na pinalamanan mo ng karne.. o corned beef. Ganun na lang ba kadelikado ang preservatives ng burger? May witness na ba sa tinatawag nilang 'preservatives' na ito? May actual na bang tao sa Jollibee o Mcdo na nagreklamo habang kumakain at nagsabing "..Oy! Ang daming preservatives nito ah, ayan oh.. walo.. WALONG preservatives! Gusto mo ba kong patayin?". Saka ilang crew na rin ng Jollibee ang mukha namang masasaya.. at laging naka smile. Mukha namang di sakitin. E yung mga nagtitinda nga sa Divisoria ng gulay, sila pa yung mga payat.. e gulay yun ah! Masustansya supposedly kesa burger patty.. labo talaga.
Pero sa softdrinks, siguro aaminin kong di ko ito madedepensahan. Kasi ako mismo medyo nararamdaman na ang side effects nito. Acidic na kasi ako eh. Minsan sumasakit tyan ko, actually parang yung stomach mismo, tapos mahapdi. Parang may Edsa dos sa bituka ko. Ang gulo saka bayolente talaga. E pano kasi, di naman ako pala inom ng kape saka ng iced tea. Nahilig pa ko sa rootbeer. Patay na talaga. Try ko na nga paunti unti umiwas sa softdrinks.. sa totoo lang kasi, di naman SOFT ang softdrinks. HARD ito sa tyan. Bakit kasi walang vending machine ng Yakult saka taho.. para atleast may option ako. Belly good sana kung ganun..


1 Comments:
Interesting! I enjoyed reading your post. It makes a lot of sense. I will try to make something like that this weekend. Thanks for guiding me through this. Rarely do I find good entries that would walk me through.
-megan-
Post a Comment
<< Home