Monday, May 22, 2006

Stratuspeer

'Yan ang name ng banda namin. Classic yan kasi 1992 pa lang buo na kami. High school kids na kesyo marunong tumugtog ng gitara at pumalo ng drums bumuo na ng banda. Well, that's basically the start pero I must admit I'm a bit impressed sa evolution namin.

Never mind the name, alam ko medyo di kasing lupet ng 'Guns n' Roses', di kasing kulit ng 'Parokya ni Edgar', di kasing bakla ng 'Cueshe' ang pangalan namin na Stratuspeer. Ako kasi nag isip ng name na yan. After ng masusing pag aaral at panananaliksik sa Alemanya ng 5 taon, 'yan ang naisip kong pangalan. SYET, naiisip ko tuloy pag ininterview na kami sa isang noontime show.. sa ASAP!:

Piolo Pascual: ..So bakit naman stratuspeer ang pangalan ng banda n'yo? (sabay aakbay sa'kin na parang close kami ni Piolo)
Ronel: (ngiting pa-cute) Well.. (english syempre para wag nilang sabihing CHEAP kami) it was derived from two latin words.. (TIME OUT! OA yata yun.. ulit ulit..)Well, it simply means stratus as in 'yung 'stratosphere' and peer which means group.
Piolo Pascual: I see, stratos and then peer.. pinag combined.. galeng (plastik)
Zsa Zsa Padilla: So bakit naman stratuspeer? Dahil ba mahilig kayo sa matataas na lugar? Tee-hee-hee-hee (canned laughter kasi corny ng joke n'ya)
Ronel: Wala lang (tagalog mode na. I'm sure kasi sa kaba magtatagalog na din ako at this point), kasi yung songs namin parang light and easy.. so parang sa gaang - it floats.. ayun, parang stratus clouds.
Zsa Zsa Padilla: Wow naman (hahampasin ako ng konte, as if close din kami) ang lalim pala ng name n'yo no? It's very.. uhmm.. subliminal!
Cid: (mapapailing....)

Nga pala, bago ko ituloy.. si Cid ang ambisyoso naming bokalista. Bakit s'ya ang bokalista? Bukod sa nabobokal na s'ya, s'ya na kasi ang nakagisnang bokalista. Pilitin ko man eh wala na kong maisip pang dahilan bakit s'ya dapat ang maging vocalist. Sabihin na nating napaka 'traditional' ng banda namin.. na since 'yun na ang nakagisnan.. FINE. Yun na yun. Forever and ever.. amen.

As for our name stratuspeer, ilang beses na rin bang napag usapan na palitan na ang name ng band namin. Heto ang list ng naisip naming mga pangalan:
  1. neocolloids (inspired sa bandang neo colours)
  2. poorbandflow (poor kami, banda kami, sakto di ba?)
  3. the unknown (inalis dahil baka 'eto talaga kalabasan namin)
  4. acousticists (ako nakaisip nito. At ilang taon ko na 'yung pinagsisihan)
  5. urbanda (inspired sa bandang urbandub)
  6. poorbandub (see no. 2 and no. 5)
  7. speedoflight (eto yung recent lang. Cool naman diba? DI BA??)
  8. Cid and company (napaka unselfish mo Cid..)

Dami no? Pero despite all of those names.. stratuspeer pa din ang nanaig. How traditional..

Speaking of traditional, kung mapapansin n'yo sa huling parte ng interview namin sa ASAP (yeah,right.. in my dreams..) napailing si Cid after sabihin ni Zsa Zsa na subliminal ang name na stratuspeer. Kasi sa totoo lang, iisa lang din ang reason bakit yan pa din ang name namin. You guessed it right. YUN NA ANG NAKAGISNAN. Baka raw kasi pag sumikat kami (DUH!) di na kami makilala ng mga classmates namin nung high school (as if sila lang ang target audience namin). Secondly, as if naman sisikat pa kami.. (teka, syempre naman sisikat kami.. dahil kung hinde, uhm.. kung hinde.. iiyak kami at magdadabog).

Nasabi ko kanina na kaya si Cid ang vocalist e dahil yun na ang nakagisnan. Tama yun pero I'm not complaining. Kasi positive akong tao (yeah, right) at iniisip ko na lang na di bale ng si Cid ang vocalist wag lang si Edward.

Si Edward naman ang bass guitarist namin. Kaya nasabi kong happy nako na si Cid na lang ang kumanta kesa Edward.. well, wait til you hear him speak. Isa po syang German. Hindi German Moreno, ha.. German talaga! As in Aleman. Pag nagsalita na po 'to DYOSKOPO.. kukunot ang noo mo at mapapabili ka talaga ng tagalog-german dictionary sa National Bookstore. Atleast meron kaming attraction di ba? Hindi kami all-Filipino band, naks.. thanks Edward ha, SPRAKENHEITEN!

Lastly, speaking of attraction sa banda.. meron pa kaming isang sideshow. Si Christian, 'yung drummer namin. In fairness.. wala akong masabi sa galing nitong si Christian. Malupet talaga. Di ako bias ah! Talagang magaling syang mag drums. Pero kung gaano naman kalaki ang paghanga ko sa kanya e ganun din kalaki ang ilong nitong taong 'to.. kaya minsan sa studio madalas e kinakapos kami sa hangin, mabilis kaming hingalin. Napagalaman namin na dahil itong si Christian pala nakukuha nya yung 45% ng oxygen sa studio. Eh kulob pa naman dun.. kaya ayun, request namin sa kanya, isang butas ng ilong lang muna gamitin n'yang panghinga pag nag pa practice kami.

And now the continuation of the ASAP exclusive interview:
Ang nakaraan: Cid: (mapapailing....)

Zsa Zsa Padilla: Oh , bakit ka napapailing?
Cid: Wala naman kasing subliminal sa name ng banda namin eh.. (pabalang na sasagot)
Piolo Pascual: *gasp*
Christian: *hithit sa ilong*
Ronel: Pare, maghulus-dili ka.. (hahawakan sa braso si Cid)
Cid: Sumusobra na 'to pre eh.. (nanlalaki na ang mga mata)
Piolo Pascual: (haharang) Pare, that's enough.. you're scaring Zsa Zsa.. (titingin kay direk) commercial break tayo, direk!
(Lalo pang lumalala ang tension)
Cid: Wag nyo ko aawatin, pare..
Zsa Zsa Padilla: Nooooooooo.. (umiiyak na sya sa likod ni Piolo)
Piolo Pascual: What's your goddamn problem ba, pare? (galit na sya pero pa-cute pa din ang mukha)
Edward: Tuh-ma nuh Schzid, nuhtataquot nuh schzi Ziah-ziah!! (titgil ang lahat)
(APPLAUSE!!!)
(Lalabas galing sa likod si Carlos Agassi na nakasulot ng helmet at syempre labas ang abs)
Carlos Agassi: Edward, isa kang.. VICTIIIMMM!!

(Mag eembrace ang lahat.. magtatawanan at ako ay magigising sa katotohanan.. na wala ako sa ASAP, na hindi kami sikat, na di kami close nina Piolo at Zsa Zsa, na wala akong abs katulad nung kay Carlos Agassi..)

1 Comments:

At 3:57 PM, Anonymous Anonymous said...

dami ng tawa ko...

 

Post a Comment

<< Home