Monday, June 05, 2006

My Day

Kailangan lang talaga mag post ngayon kaya ihahabol ko 'to!. Kasi sinumpa ko ito sa sarili ko na habang may internet access na libre sa office, iraraos ko ang blog na ito. Meron nga palang sudden changes sa blog ko. Di na "ultraelectromagneticblog' ang pangalan ng blog ko kasi kahapon I found out na meron na palang blog na may ganung pangalan. KAASAR. Saka isa pang bad news, baka i-block na daw ang access sa mga non-related sites sa internet namin. NOOOO!!!! Paano na ang blog ko? E sa office lang ako nakakapag-update ng blog.. tsk tsk.. bad news talaga. Pangatlong bad news, di pa pala ako pwede mag apply ng credit card sa Equitable (MAGSARA NA KAYO!) kasi minimum of 6 months daw ang gina-grant nila. SINO BA NAGPAUSO NG PATAKARAN NA YAN?? Dun naman kami kumukuha ng pera sa ATM namin, may duda pa ba sila na di ko sila kayang bayaran? Paguwi ko nga sasabihin ko kay papa ang lahat ng 'to at sigurado ko bukas na bukas din bibilhin ni papa ang branch ng Equitable na yan dito sa Buendia. Ano akala nila sa'kin POOR?? Na di ko kayang magbayad? Nagka credit card na kaya ako.. CITIBANK pa yun! Malaki interest dun..kaya ko ngang bayara yun pa! Hay nako.. di naman halatang bitterness ako no.. wehehe.. he..he..huhu..hu..hu.. (nauwi sa iyak, eh no..). Paano na ang pangarap kong mp3 player? SYET. Lumalayo na yata sa aking kamay ang pag-asa. SIGH..

Well, kung may bad news meron din namang good news. Okay na ulit kami ni Jac. Teka, di ko pala nasabi na nagkainitan na naman kami ni Jac kagabi sooo.. ayun. AH BASTA, ang importante okay na lahat. At manonood kami ng *ehem* ang PINAKA MALUPIT ns pelikula ng taon.. punong-puno ng SPECIAL EFFECTS at sobrang crically acclaimed. Walang iba kundi ang pelikulang (drum roll..) All About Love. Starring John Lloyd and Bea Alonzo at saka 2 pang pares na teebyboppers na wala akong pakelam kung sino sila. Nakuha ko na kasi yung premyo ko dahil dun sa ginawa kong QA/CSAT name for awards. Tumataginting na (drum roll) 300 pesos. Okay na din.. ilang pillows na din ba mabibili ko dun? Hehe..

Bukas off ko na so ang saya saya! Pinahiram pa ko ni Jen and Dan ng 5 DVD's. Movie marathon na ito! Tapos sa Friday may pizza pa ang team namin dahil sa attendance! Yahoo! Sarap pala ng walang lates, hehe, daming benefits (parang lucky me supreme yun ah). ANYWAYS, speaking of not being late, kanina FIRST TIME ko naranasan ang maghintay sa pagbukas ng LRT station (Tayuman station). TAMA ang nabasa mo, ganun ako kaaga kanina. Siguro nga paranoid na ko sa pagiging late kaya ganun na lang ang pagka aga ko lagi ngayon pumasok. Ikaw ba naman magkatrabaho ng tulad ng work ko e sisipagin ka din naman talaga pumasok di ba? Sabi nga ni Vern Veron "makatao at makamamamayang" trabaho ito. BOW-BOW-BOW (ala Vern)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home